Fieldtrip 12-13
Eto na. Fieldrp na. Di ko alam, pero di pa ko natutulog and di ko pa inaayos ang gamit ko para mamaya. Lahat na ata nagawa ko, maliban sa kailangan. Sabi ng service, 4:00am ako susunduin.. Eh magffive na, wala pading bumubusina. Gustong-gusto ko na pumasok. Humiga na muna ko habang hinihintay tas nung patulog na ko, may nagdoor bell na. Myghaad, istorbo. Nasa moment na ko ng pananaginip tas.. Ok enough. Pagupo ko sa service, yung tugtog ba naman is "I-giling giling, i-giling giling, i-giling giling hagang matunaw ang taba" umagang-umaga yan yung maririnig mo? -_- Parang nakakawalang gana tuloy magfield trip. Joke, sobrang oa :))) Pag dating namin ng school, mejo kinakabahan ako kasi ang dilim dilim tas feeling ko wala akong kilala at magmumukha akong loner. Buti nalang nakasalubong ko si Anne, sinamahan ko siya kunin i.d niya sa gate. Pag pasok namin ng building, sabi ko samahan niya muna ko sa blue na cr.. nung paliko na kami (sa side ng office ni Ms.Linggo) MYGOD. As in, mygod talaga.. Yung feeling na, para ka ng nanuod Quidditch [Hi sa mga nanunuod ng Harry Potter at kayo lang may alam nito] dahil may lumipad patungo sayo. Tngn, yung ibon!!! Malaki siya, di siya yung normal size :(( Nakakatakot, grabe. Sobrang lapit na niya sa mukha namin ni anne, tas.. ughhh basta grabe!! Anyway dahil sa nangyari,, di ko na naisipan pang pumunta sa cr so umakyat nalang kami. Nagdadatingan na yung iba naming mga kaklase. Parami na ng parami. Dumating si Miren, na may dalang JOLLY HOTDOG para sakin :') Sobrang saya ko na. Favorite ko kasi :)) So yun, thanks miren. Haha. Naguusap usap kami nila Faye at Rica ng nakita ko nanaman yung lecheng ibon na yun -.- Di ko alam pero parang ang laki ng takot ko sa ibon dahil sa mga pangyayari :(( Ang close up kasi eh, tas ang laki tas may pakpak (malamang) tas puro feather :((( Ew. HAHAHA. Anywaayyy, ayan na pila na raw sa baba. Nung papasok na kami sa bus, yung unang tapak, aba may ilaw ilaw pa, parang las vegas ba :)) Pero pag pasok mo na.. yung bus na pang biyahe :(( =)) Sobrang nakakainis kasi ang pangit nung bus, ang sikip tas sira-sira. Pero no choice kami so, tiis-tiis din.
Una naming pinuntahan is Rizal Shrine na wala namang kwenta kasi parang nagtingin tingin lang kami ng mga furniture na antique. Haha. Pasok tas labas, tas picture picture na. Di ko alam pero ang daming nagkalat na jejemon dun. jk ang sama. Anyway, bumalik na kami sa bus at nagpatungo sa Nuvali. Ang saya kasi nag boat kami dun, pero sobrang kadiri nung isang part dun sa tubi na puro isda.. Di sila cute.. Sobrang dami kasi as in, tas kumpulan tas nag o-open close sila ng mouth eh mejo nakaangat mukha nila sa tubig, basta grabe di bagay :(( :)) So, tambay muna kain, inom, picture. Bumalik na kami sa bus, tas sabi di na daw tuloy yung sa Nissin/Monde factory kasi wala ng oras. Di naman kami nalungkot or something kasi tutungo na kaming Enchated Kingdoooom!!! Ang pinakaiintay naming lahat.
Mejo tinatamad na ko iblog yung sa ek kasi sobrang daming pangyayari, pero sige. [Gaddi di kailangang.. ughhh haha]
Eto naaa, tatapak na ko sa lugar na akala ko di ko na mapupuntahan. Jk ang drama. Nakarating na kong Ek!! First time. Haha. Di ko alam pero halos kalahati ng mga tao sa EK, naka Varsity Jacket -.- Parang.. Hello?!? Eto kami, init na init, na parang ang lapit lapit na satin nung sun tas may mga taong naka jacket?? -__- Nakakagago. Masabi lang na may varsity jacket eh. Okay galit na galit ako, hahaha. Pila na kami agad sa rio grande. Gumawa muna kaming strategy na lahat ng basang rides muna, tas flying fiesta para matuyo :))))) So, natural nabasa kami sa rio grande, pero di sobra. Sunod na yung Log jam na parang naiwan yung kaluluwa mo sa taas tas bumalik nalang nung nasa baba ka na. Shet, daming alam. After nun, pumila na kami sa Flying fiesta tas naisip ko na kawawa naman yung sunod na batch after namin kasi yung uupuan nila, basa :)) Di pa kasi kami nagpapalit nun, nakakatamad. Mejo masaya naman yung flying fiesta, mejo nakakahilo nga lang pero carry. Tinry namin yung anchors away.. Eto. Eto yung tanging ride na nagpaiyak sakin. Pano ba naman eh parang hinuhulog ka ng paulit-ulit tas ang taas pa. Pag labas namin, halos masuka-suka na ko. Di ko talaga kinaya, dalawa pala kami. Si ola pa. Samantalang nakuha pa naming magpicture habang nakasakay, tas kami pa yung.. -.- So nagpahinga muna kami dun sa kainan sa tapat hanggang sa nakatulog na kami ni ola. Pero nagising ako at sumama sakanila Berns. Binalak nilang maghorror house, at ayokong sumama. Pusa at ibon nga lang takot na takot ako ano pa kaya kung pumasok pa ko dun, baka masipa ko lang mga employee nila. Hahaha. So naisipan namin ni Rica na pumila nalang sa disk-o magic kasi mukhang masaya. Ilang beses naming binalak sumingit kaso, nahuli ako :)) So okay, pila nalang. Nakita kong padating sila Irish at Miren, so naisip ko na mas masaya kung madami kami so niyaya ko silang sumingit. Successful naman kasi di sila nahuli. Kaso nakikita ko na sila Francis sa malayo at madami-dami sila, sinibukan nilang sumingit kaso boom! Nahuli sila. Lumapit ang isang kuya sabay sabi samin "Eh kung tawagin mo na kaya lahat? Buong bus niyo pasingitn niyo na. Nakakahiya kayo! Estudyante pa naman kayo!" Ay, g na g si kuya :))) May mali kami pero mas may mali siya dahil sa approach niya, pwede namang sabihin ng maayos pero.. Wow. So umalis nalang sila francis saying "Tara na, nakakahiya tayo eh!!" Natira si irish kasi gusto niya talaga sumakay, wala siyang pakielam sakanila. So ayan sasakay na kami. Ang saya!! Isa to sa pinaka masayang ride, tawa lang kami ng tawa. Sobrang na-enjoy namin. Pagtapos, nalaman namin na di na pala naghorror house sila berns kasi may bayad pala. After, hinanap nanamin yung iba naming kabarkada. Nakita ko si Mira at Kiara nakapila sa Space shuttle. Successful naman yung pagsingit namin, kasi wala naman masyadong nakabantay. Kaso nga lang biglang pinabalik lahat, at tinigil yung pila. May sira daw kasi. Di ako masyadong naapektuhan kasi di naman ako yung nageffort pumila ng matagal kasi sumingit lang ako, so mejo awww lang. Haha. Pumunta na muna ko dun sa kainan at kumain. Haha obvious ba? HAHA. Pag lingon ko nagbabalikan yung mga tao sa space shuttle, so pumunta ko dun nakita ko ulit si Mira at Kiara, then narealize ko na wala pala akong partner!!! Grabe kamusta naman yung feeling na magsspace shuttle ka ng walang katabi -___- Pero in the end may nakita kaming iba naming kabatch at tatlo lang din sila, so nagsama nalang kami. Partner ko si Mira. Ayan na kami na yung nakasakay. Onti onting umaangat patalikod yung mga upuan, sigaw na kami ng sigaw kasi any moment pwede ng bumagsak yung ride. Kung ano-ano na yung mga pinagsisigaw ko.. "Sheeeet, i love you abra!!" "Woo DOMINICAN COLLEGE" "Yung moon, dilaw!!" "ANG GANDA NG PILIPINAAS!!!" at sakto, wooooosh. Bumaba na, grabe sobrang bilis, na parang di mo mamamalayan nakaikot ka na pala dun sa pabaliktad. Tas yung pabalik naman na round, grabe sobrang sakit sa lalamunan. Hindi dahil sigaw ka ng sigaw, actually di ka nga makakasigaw sa sobrang pressure na mararamdaman mo na parang hinihigop ng hangin yung lalamunan mo. HAHAHAHA. Sobrang saya namin na nasakay namin ang Space Shuttle, pero naisip namin na kami nalang hinihintay sa bus :( Ang tagal tagal pa namin. Nakakahiya sakanila. So, pagbalik namin sa bus, pinagalitan kami ni Ms. Llanes, sorry naman kami. Tagong-tago yung saya sa mga mukha namin. Syempre diba, nakakahiya magpakita ng tuwa tas yung bus kanina pa naghihintay. So pauwi, lumipat na kong pwesto sa bandang gitna ng bus. Masaya, sobra. Nakaabot na kami ng Dominican, pumunta na kami ni Berns sa service at nakauwi na ko. Deretso ako sa kama, at humiga. Yun lang. Salamt sa oras mo =))
No comments:
Post a Comment