About Me

My photo
14 years of existence|SENIO12-13ATCH|Trypophobia|Azteeeec

Tuesday, 27 November 2012

CONTINUATION!! :( =))

Sooo, eto na yung hinahanap niyong continuation :)) Leche kasi eh, ang daming nagsabing bitin. Well, sorryyyy. Hahaha. At dahil naset na yung mind ko na natapos ko na yung blog, ay wala na kong maisip na ikwento pa. Ano ba nangyari sa araw na to? Hm.. Sa umaga, diniscuss lang samin ni Ms. Llanes yung tungkol sa fieldtrip. Family day attire again. Huhu, chura natin dun.. Mas gugustuhin ko pang mag pe nalang. Kunyari importante opinyon ko. Tapos sa tle naman, ginawa lang namin yung project namin na maliit na cabinet na parang ang malalagay mo lang dun ay yung mga kuko mong na gupit na :)))) jk omg di ko alam kung ba't yun yung pumasok sa isip ko :(( :)) Di ako naggugupit ngayon ah!! Baka yun iniisip niyo :)) Anyway, nakakatamad gawin ng maayos yung project na yun kasi di ko talaga alam kung ano problema ng manufacturer ng kahoy sa mga project namin at di nila magawang ipantay-pantay!!!! Kami ang nahihirpan eh. Di ba uso ruler sakanila?? Or measurements?? Grabe.  Hay nako, may pinaglalaban ako. Haha. So ito, nung computer time namin, pag upo ko sa pwesto ko, pagtingin ko sa left na computer na katabi ko, LOVE yung nakalagay sa wallpaper [or dapat screenpaper? kasi diba sa screen naman naka... ok stop] tapos AZTEC siyaaaa. Not important but it's for your information. Haha. Skip to physics time!! Ang 1 hour and 20 mins ng buhay ko na, napapanganib. Hahaha. Pero this time kakaiba, dahil si Francis wala sa upuan niya at eto na yung time ko, at sulit na sulit naman dahil damang-dama ko yung pagtulog ko. As in hiniram ko pa jacket ni Culbs, kinuha ko yung bag ko na maraming laman upang gawing unan, pinatong ko sa table ni francis at saka naghead down. Ngayon ko na lang ulit naranasan ang mahimbing na tulog na walang nangungulit. And for a second there, mejo namiss ko yung haplos ng ballpen ni francis sa pisngi ko. Joke, of course not. HAHAHA. So skip skip skip, valuse time. Eto yung first time may nagalit na teacher sa tawanan namin ni Francis. As in galit. Kasi naman, ang topic namin is yung liturgical calendar. Eto yun.. 
Oh diba, ang galing ko kasi eto talaga yung
ginamit na picture ni Ms sa ppt niya :))
Anyway, nakalagay dun sa advent part
40 days, tapos tinanong ni Ms, ilang
araw yung lent tapos may sumagot na 
"7 days!!" Pagkarinig ko nun mejo 
natawa na ko pero onti palang hanggang
sa marealize ko na, dun sa advent ang 
liit ng space tas 40 days, tas ang laki nung
sa lent, 7 days lang :(((( :))) Di ko alam kung
bakit tawang-tawa ko sa naisip ko, at 
sinabi ko pa kay francis, tawang-tawa
din naman siya. Ayun tuloy, nagalit si Ms
at tinanong ako kung anong nakakatawa and 
all, normal sermon ng mga teacher pag may tumawa. Yun lang naman, gusto ko lang ibahagi sainyo ang experience na to, na sinabihan pa kong " Ang corny mo naman"   And worse, seryoso pa siya nun :(((( Broke my heart.. *sniff* joke haha anyway sa galit lang yun i'm sure :) jk over confident sa sarili :))) Tapos during practice naman, ay tinuro ni Joan yung sayaw namin nung first year pa yung "Shake it" ni Gloc9. Gulat ako kabisado pa niya. Haha. Tapos habang tinuturo niya, di siya gumagamit ng countings pero ganto.. TAC TAC TAC TAC TAC!!!! Hahahaha. Okay may dahilan kung ba't naka type ng ganyan :)) Kasi ganyan niya sinasabi, palakas ng palakas :)) Tas ginaya ko tas sa huling 'tac' ay naghand gesture ako ng parang may binubuhat or naglalabas ng powers so parang.. taaaaaaac!!!!! natawa naman sila, thank god :))) jk hahaha basat yun bahala nalang kung pano niyo yan iimagine-in :)))) Then sabi niya "Shake it shake it shake shake shake it" basta yung lyrics.. Tas sabi ko "Shake it.... Pizza hut..." Shet, sobrang sabaw :(( :)) HAHAHA. So sa mga nagbabasa nito, sana satisfied na kayo sa blog na to :)) Matouch kayo, dahil imbis na nagiisip ako sa gagawin ko sa sarili ko sa portrait ko bukas, ay inaatupag ko to :))) Anyway bye na, sana di na to bitin :))

50 shades of Physics =))

Lahat ng ikkwento ko ay nangyari during Physics time. Eto yung dalawang period na malayang-malaya ka gumawa ng kahit anong gusto mo at hahayaan ka lang. Perfect example nalang yung kay Sujun.. Si Mendoza kasi, onti-onting kinuha yung wallet ni Ola, at nagtagumpay naman siya dun dahil di nga naramdaman ni Ola, ang pagdukot ng wallet niya. Tsk delikado ka na :)) jk haha. So naisipan ni Mendoza na ipasabit kay Sujun yung wallet ni Ola sa pader, which is parallel sa board namin. Habang nangyayari to ay may sumasagot ng problem ni Ms. Cerbas sa board, tas siya naman naglalakad-lakad lang sa harap. Kumuha si Sujun ng upuan, tumung-tong siya dun tas inabot niya yung pako sa pader sinusubukang isabit yung wallet ni Ola. Si Ms. Cerbas naman habang naglalakad ay napatingin sa ginagawa ni Sujun, syempre lahat kami sa pwesto namin nakaabang na sa sasabihin ni Ms. Cerbas na "Anong ginagawa mo jan? Bumaba ka nga jan blah blah blah" Pero.. tinignan niya lang si sujun na nagsasabit ng walet sa pader at nagpatuloy na kanyang paglakad. Tawang-tawa kami ng sobra kasi deadma lang siya, ni hindi man siya nacurious kung anong ginagawa ng estudyante niya, ni hindi man lang nagtanong o ano :))))) Parang normal lang ata sakanya yung may student na nagsasabit ng gamit sa pader. Hahahaha. Tapos, habang nagddiscuss siya ay pinagtritripan namin yung tripod at ginagawa naming mic. Yung tipong kunyari nasa gig kami, tas kanta kami ng kanta ni Francis. Lumapit si Ms samin at sabi "Feeling niyo ba concert niyo?" tas nakatawa pa siya nung sinasabi niya yan ah :))) Di man lang ipinatago samin. Hahaha. Sa time niya, libreng-libre ka tumawa, matulog, kumain o kahit ano pa. Kasi di niya pinapansin yung mga ganun unless sumosobra na. Kanina, eto nanaman si Francis, sinasapian ng kagigilan at muling sinasaktan yung katawan ko, as in ibang level na to. Suntok, kurot, sabunot, at kung ano-ano pa. Nagmamakawa na kong tumigil siya pero wala.. Tas sa isang suntok niya sakin, yung dalawang kamay ko nagcover sa face ko tas slowly drinag yung skin ng mukha ko pababa saying " Tama na pls lang, tigilan mo na ko" pero tumatawa kaming tatlo :)) Sabi ko tuloy "Feeling ko pag nagpa x-ray ako, durog durog na yung mga buto sa left part ko" tas tawanan nanaman kami ng sobra halos mangiyak-iyak na si faye. Buong physics, di ako makakilos ng maayos dahil feeling ko laging may balak si Francis. Tipong paghead down mo, iisipin mong umangat ulit ng ulo kasi baka sulatan ka niya. Pag talikod mo, susundutan ng ballpen yung butas sa upuan mo. Or pag lingon mo sakanya ay may ibabato siya sayo, muntikan niya pang ibato yung kahoy galing sa tle project namin eh. Grabe, wag na kayo magulat kung one day nasa ospital na ko :(( jk hahaha :)) So, hindi pa dapat matatapos dito yung kwento pero tamad na tamad na ko :)))) Haha. Byeee!! To be continued.. Pero wait!! About sa title pala.. :)) Wala lang yan parang kasi si Francis si Mr. Grey na gustong-gustong nasasaktan ako (Steele) HAHAHA 

Sunday, 25 November 2012

Addicted.

Sobrang bored ko lang kaya naisipan ko gumawa ng blog. Tapos na-enganyo pako kasi nakita ko yung background ni Berns na, anchor pero AZTEC yung design!! 
Ang ganda diba :(( Hahaha. Favorite kasi ni Berns ang anchor habang ako naman, well shempre, aztec. Kaya ayun, TEAM GB all the way :)) Haha. Sa kaadikan ko sa aztec, nung nagpagawa si Ms. Tejada ng nail art.. Of course, di na ko nagdalawang isip at aztec agad ang ginawa ko!! Super thank you sa nail polish ni Monay at naging successful yung nail art na
yun. Eto kinalabasan oh.. 
Yeheyyy, happy with the results kahit di siya sobrang perfect. At least aztec. Haha. Isa pang, aztec-inspired work, is yung Gokongwei University I.d namin na gagamitin sa English Film, which i'm so excited for!! Di man siya sobrang ganda, at least may aztec ulit :(( <3
Tapooos, akala niyo wala na? Meron pa. Dami nga eh. Hahaha. Wala akong mahanap na aztec na wallet at that time so naisipan ko nalang gumawa ng sarili kong wallet :)) So gumupit ako ng tela galing sa tshirt ko, naghanap ng poster paint at zipper and.. *drum roll* 
Too poor to afford paint brushes :| :)) THE MAKING!!
So yun, pahirapan mag tahi. Pero pratice na rin kapag matanda na ko tas nakaupo sa rocking chair. Hahaha joke. Ano pa ba? Hmmm, performance task (ang daming alam ng dominican at pinauso nila to) namin sa computer is gumawa ng flyer about the 3R'S.. Kapartner ko dun si Ola, and she specifically told me na wag lagyan ng aztec kasi sawang-sawa na siya dun :))) Pero sa tigas ng ulo ko (syempre, ewan ko nalang kung yung iyo malambot, comfort nalang!!) ay di ko parin napigilang lagyan ng aztec.. 
HAHAHA, masabi lang na may aztec :( :)) Lastly, yung unang-una kong gawa na aztec pattern na mukha daw na prinint porket naka black and white. Tandang-tanda ko pa, english time yun, second quarter after namin magquiz. Actually, habang. Ganun ako ka BADASS. 

So ngayon alam niyo na kung gano ako kaadik sa aztec. Sabihan niyo na kong mukha kong aztec, wala akong pake :))) Magbbirthday na ko and kahit anong aztec na bagay masaya na ko sobra :(( Alam niyo na reregalo niyo sakin ah!! Haha kidding. Byeeeeee

Saturday, 24 November 2012

INIT

So.. Family day namin ngayon. Saturday kaya mejo nakakatamad, pero okay na din mejo masaya naman. Yun nga lang.. SOBRANG INIT. As in sobrang init talaga!! Di ko alam kung bakit pero kakaiba yung naproproduce na heat nung araw kanina. Para bang katabi mo lang yung sun, or parang nasa loob ka ng isang whistling kettle tas pinapakuluan ka tas kanina ka pa nagwhwhistle pero ayaw patayin yung apoy. Jk, okay ang daming alam. Haha. Sa mga nangyari naman ngayong araw na to, wala namang interesting. Program lang sa umaga tas, bingo na sa hapon. Di na ko naglaro kasi nakakatamad, tsaka di naman ako nananalo sa ganun. And again.. sa SOBRANG INIT ay niyaya ko na mga kaibigan ko na lumabas nalang at magikot-ikot. Nakasalubong namin si "Regular fries" :)) yun ang tawag namin sa kanya kasi nakita ni Ola, yung taong yun sa Mcdo tapos ang sabi niya dun sa counter.. (sabihin niyo to ng malakas ok tas dapat pahabain niyo muna yung baba niyo para gayang-gaya.. inshort yung pacool na pagsasalita) "UHM.. MISH MARGKANO YUHNG REGULUHR FRIESH? TWENI FAYV? UH SHIGE, DUHLAWAUGH. PATTY COWK FLOWT NA RHEN"  [Mejo mahirap isipan ng spelling yung pagkakasabi niya infareness] Hahahaha. Di man siya sobrang funny kasi naka-words.. pero grabe yung tawa namin pag sa personal na tas may actions pa yan na parang bumabackward yung ulo mo tas yung mata mo naka-squint and yung eyebrows nagcocompress. Hahaha, shet ang benta parin :(( :)) Anyway, nilapitan namin siya upang magpapicture para naman masiyahan kami at makalimutan yung INIT na nararamdaman ng aming mga katawan. Pag lapit namin, niyaya na namin siya ng picture pero tumanggi siya. Hinabol pa namin at pinilit pero ayaw niya talaga. Tas hinayaan na muna namin pero nakita namin siya sumisilip galing sa gym habang nandun kami sa plaza, so tinry namain ulit tas sabi niya "ARGHYOKO. ARGHYOKO. NAKAKAHEEYAH, DI KO KARYO KIRLALA" Hahaha, ang cool niya talaga :(( :)) Pahard to get pa siya, di bagay. Haha. Anyway , meron nga pala kaming sayaw tapos ang sabi ni Ms. Hyde, maglagay nalang ng accessories, gumawa ng sariling porma kasi bawal ibahin yung tshirt tas pants. Sa bahay palang tinry ko patungan ng kung ano-ano. Tinry ko yung vest, pero mukha namang taga-walis ng mga sidewalk.. Tinry ko rin patungan ng polo, pero grabe.. Worse :)) Kasi tanod na tanod naman yung dating ko :))) Hahaha. So, hinayaan ko nalang at di na ko naghanap ng kung ano-ano pang makakapag mukha sakin na tanga. Mejo successful naman yung sayaw, kahit sobrang di kami prepared. Nakaya naman namin :) Ang hirap alalahanin ng mga nangyari sa araw na to dahil nga sobrang init :(( Actually, hanggang ngayon eh kahit kaharap ko na yung electric fan namin. Ba't ganuuuun huhu. So ayun gets niyo naman kung bakit yan yung title, kasi halos blinog ko lang ang reklamo ko sa temperatura ng ating bansa. HAHAHA Okay, bye.

Thursday, 22 November 2012

LOAD

Hayyyyy. Number one problem natin tong lahat ngayon. Maliban nalang sa mga mala-gokongwei jan or yung wala namang cellphone. Pero grabe diba, halos lahat nagwwish na sana libre ang load or sana umulan ng load. Oo tama kayo, sana nga bumaha pa eh. Joke haha. Yung feeling na wala ka naman talagang pakielam jan sa cellphone mo pero once na magbeep yan, tumunog, magvibrate, umilaw or kung ano man nagagawa ng amazing mong phone, tapos yung taong gusto mo pa yung nagtext.. Ay shet... Yung pagtibok ng puso mo bumilis, ngiting-ngiti ka pa, tumatalon-talon ka pa (optional to), magttype ka na sana ng reply, ng maalala mong WALA KANG LOAD. Aba shempre, di pwede yun. Agad-agad kang hahanap ng paraan na magkaron ng load. Kung maghahalungkot ka man ng barya barya jan sa bag mo, sa wallet mo, o di kaya'y pati jan sa bulsa ng mga damit mo. [Sobrang sarap lang ng feeling na pagdukot mo sa bulsa bigla ka nalang makakaramdam ng maluma-lumang papel, diba?] Pero.. Wala ka paring nakitang pera... Wala ka paring load.. Di mo siya matext.. Malungkot ka.. Di ka kumain, naligo, natulog.. pero joke lang yun kasi sobrang oa mo naman kung ganun. Hahaha. Ang conclusion nito, ineendorse ko lang sainyo ang Viber.. Ang pagtext na di mo na kailangan ng load. Kaya idownload mo na ang viber sa iyong smartphone or android!! jk haha. Alam niyo ba na sa mga oras na to, ay dapat naglalakad ako sa labas papunta sa tindahan para bumili ng alaxan fr kasi masakit daw paa ng lola ko, pero no need to share kasi wala naman connection sa title ng blog na to. Anyway back to the topic. So i-link natin ang load sa crush.. HAHAHA yung feeling na yun nalang yun dahilan kung bakit pumapasok ka sa school. (and sa mga kaibigan mo) Yung feeling na pagkamulat na pagkamulat mo ng mata, tamad na tamad ka pumasok at naiisipan mong magabsent.. pero biglang may part sa utak mo na ibubulong lang yung pangaln ng crush mo tas para ka ng nakainom ng cobra, ay dapat mejo sosyal. Hm, sting? Extra joss nalang :)))) jk haha. Tas bangon ka na agad tas todo paganda/papogi sobrang ayos na ng buhok mo pero pagtapak na pagtapak mo sa labas ay parang kinuskos mo yung likod ng ulo mo sa pader. Boom, sayang effort. TAPOOOOS, pagdating sa school ay hanggang sulyap ka nalang sa crush mo. Dumaan lang siya sayo, eh kawawa na yung katabi mo na pinapasa na at namumula-mula yung braso. Be considerate guyssss, tuwang tuwa ka habang yung hinahampas mo.... Hahaha. And dahil jan may ishshare lang ako, isasalang ko na sana yung uniform ko, so stinart ko na yung washing machine, sinet sa low tas go. Edi nag fifill up na siya ng tubig.. Bumalik ako sa laptop ko at nagcontinue ng blog. Ngunit (hindi ko maipaliwanagggg) sa masyado kong paglalabas ng emotions at damang-dama ko pa ang pagttype, ay nakakarinig na ko ng *Swoosh* actually, di ko alam kung ano ang sound effect ng water na umiikot kaya swoosh nalang :)) kung gusto niyo mejo mabango, pwede ring swish.. which is yung mouthwash if i'm not mistaken. Hahaha. So yun lang naman ang ishshare ko. Yung parang hinugasan ko lang yung mismong washing machine namin kasi di ko naman nailagay yung uniform ko :| :)) Nagsayang pa kong tubig at kuryente. HAHAHA. Grabe sobrang layo ko na pala sa topic. Kung san san no napupunta :)) And kung manonotice niyo lang, sa blog na ito ay ang dami kongnagamit na words na may ulit.. tipong damang-dama, san san, pagkatapak na pagkatapak. Haha, which is not a big deal pinapaalam ko lang sainyo, and pampahaba na rin :)) At dito nagtatapos ang kwento ng load. HAHAHAHA

Wednesday, 21 November 2012

First time.

So yun, kita naman sa  title nito na first time ko to diba. Ang redundant naman kung yun ulit sasabihin ko.. Hm actually, nasabi ko na rin pala. Tanginis. Hahaha. Anyway, wala akong alam sa mga to so gagayahin ko nalang si Faye (ang salot sa lipunan ayon kay Francis) So eto na magpapaka-bob ong na ko. Joke lang, feeler to the max. Pero.. ang dami ko palang sinasabi, makapagsimula na nga. 

Sun rising, birds chirping, wind coming from the window beside my bed.. Feeling movie scene na, sabay may sumigaw na "Gaddi!! SERVICE!!!" Sht. Oo nga pala, sabi ko sa service ko na magffirst trip ako, para magaral sa long test namin sa Calculus. Agad akong bumangon, alam na alam kong kakagising ko lang, pero sa sobrang bangag ko.. Ang nasabi ko sa service "Wait langgg" thinking na makakapagbihis akong ng sobrang bilis at makakahabol pa. Pag punta ko sa kabilang kwarto, nagising na rin pala nanay ko at sinabihan na ko na anjan na yung service. Naisip ko na siya nalang kaya pagsabihan ko na magsecond trip nalang ako.. At least mukhang wala akong kasalanan. Haha. So yun, umalis na yung service, at lumakad na ko patungo sa banyo na parang nalalantang halaman. Ligo. Bihis. Kain. Hintay. Sakay. Dating. Lakad. Pasok. Aral. Sana naman pumasok talaga sa isip ko yung pinagtuturo ni berns samin. Well, it did.. Sort of, kinda, little. Things. Mermaid. Red riding hood. Sige. HAHAHA. Natapos na ang mahabang pagsusulit na ginamitan ko na ng luma kong style na tulog muna bago sagot. Dahil feeling ko talaga napapaginipan ko yung mga formula :)) Which is true kasi, pagangat ko ng ulo ay para bang di mo na mapaghiwalay yung tip ng ballpen ko sa kagaspangan ng papel ng long test namin. Hahaha. Or siguro dahil lang yun sa tension na nararamdaman ko dahil malapit na magtime. Anyway, natapos ko na and nasagot ko naman, okay na yun. Fast forward to Physics time kaso nnung isang araw pa to hahaha, wala naman masyadong nakakatawang nangyari dahil si Francis nagbabasa ng 50 shades of grey, si Faye nagkikinig (kunyari), at ako, nagdadasal na sana manatili nalang si francis sa position niya at hindi siya sapian ng kagigilan. Sa nagbabasa nito, kung alam mo lang ang nararanasan kong hirap.. Makatulog at magising sa haplos ng ballpen/marker sa pisngi mo, tas malalaman mo nalang na parang ginawang cartesian plane yung mukha mo kung makaplot ng vertices tas foci tas okay too much knowledge from calculus. Hahaha. Ang biglaang pangongotong, paghahampas, panunulak na nararanasan ng buong left side ng katawan ko. Take note, BUONG LEFT SIDE. Mapa-ulo, leeg, braso, etc. At dahil jan, napapaisip ako na pano kung sa sobrang panunulak at paghahampas niya eh nagsilipatan yung mga organs ko sa right side.. tas lantang-lanta na yung kalahati ng katawan ko habang yung isang kalahati sobrang taba na at masikip. HAHAHHAHA tawang-tawa kaming tatlo nun eh, at buti nalang di kami napapansin ng teacher namin dun kasi siguro immune na siya sa ingay dahil sa lakas ng boses niya at napakasaya pa kung magturo akala mo naman nakikinig lahat. Haha. Sooo, as of now.. iniinterrupt ako ng windows update, irestart ko na daw at kanina ko pa pinopostpone habang pinapanuod ang video ni Gel, na ewan ko ba kung bakit sobrang benta sakin. Hahahaha eto link oh, kung interesado man kayo http://www.youtube.com/watch?v=2AkLnzBUfCY&feature=plcp Pokemon theme song talaga :(( :)) Haha. Anyway, nakakatamad din pala tong pagbblog na to.. Siguro bored na bored si Faye at ang haba ng nagagawa niya.. or nasalikod niya yung nanay niya kaya imbis na manuod ng... nagblog nalang. Hahaha joke. Sakiiiit, ngawit na ngawit na yung leeg ko dahil sa position ko na di kanais-nais.. Grabe gaddi di kailangan i-share -___- Tama na nga, wala na tong katuturan. HAHA bye.