About Me
Tuesday, 27 November 2012
50 shades of Physics =))
Lahat ng ikkwento ko ay nangyari during Physics time. Eto yung dalawang period na malayang-malaya ka gumawa ng kahit anong gusto mo at hahayaan ka lang. Perfect example nalang yung kay Sujun.. Si Mendoza kasi, onti-onting kinuha yung wallet ni Ola, at nagtagumpay naman siya dun dahil di nga naramdaman ni Ola, ang pagdukot ng wallet niya. Tsk delikado ka na :)) jk haha. So naisipan ni Mendoza na ipasabit kay Sujun yung wallet ni Ola sa pader, which is parallel sa board namin. Habang nangyayari to ay may sumasagot ng problem ni Ms. Cerbas sa board, tas siya naman naglalakad-lakad lang sa harap. Kumuha si Sujun ng upuan, tumung-tong siya dun tas inabot niya yung pako sa pader sinusubukang isabit yung wallet ni Ola. Si Ms. Cerbas naman habang naglalakad ay napatingin sa ginagawa ni Sujun, syempre lahat kami sa pwesto namin nakaabang na sa sasabihin ni Ms. Cerbas na "Anong ginagawa mo jan? Bumaba ka nga jan blah blah blah" Pero.. tinignan niya lang si sujun na nagsasabit ng walet sa pader at nagpatuloy na kanyang paglakad. Tawang-tawa kami ng sobra kasi deadma lang siya, ni hindi man siya nacurious kung anong ginagawa ng estudyante niya, ni hindi man lang nagtanong o ano :))))) Parang normal lang ata sakanya yung may student na nagsasabit ng gamit sa pader. Hahahaha. Tapos, habang nagddiscuss siya ay pinagtritripan namin yung tripod at ginagawa naming mic. Yung tipong kunyari nasa gig kami, tas kanta kami ng kanta ni Francis. Lumapit si Ms samin at sabi "Feeling niyo ba concert niyo?" tas nakatawa pa siya nung sinasabi niya yan ah :))) Di man lang ipinatago samin. Hahaha. Sa time niya, libreng-libre ka tumawa, matulog, kumain o kahit ano pa. Kasi di niya pinapansin yung mga ganun unless sumosobra na. Kanina, eto nanaman si Francis, sinasapian ng kagigilan at muling sinasaktan yung katawan ko, as in ibang level na to. Suntok, kurot, sabunot, at kung ano-ano pa. Nagmamakawa na kong tumigil siya pero wala.. Tas sa isang suntok niya sakin, yung dalawang kamay ko nagcover sa face ko tas slowly drinag yung skin ng mukha ko pababa saying " Tama na pls lang, tigilan mo na ko" pero tumatawa kaming tatlo :)) Sabi ko tuloy "Feeling ko pag nagpa x-ray ako, durog durog na yung mga buto sa left part ko" tas tawanan nanaman kami ng sobra halos mangiyak-iyak na si faye. Buong physics, di ako makakilos ng maayos dahil feeling ko laging may balak si Francis. Tipong paghead down mo, iisipin mong umangat ulit ng ulo kasi baka sulatan ka niya. Pag talikod mo, susundutan ng ballpen yung butas sa upuan mo. Or pag lingon mo sakanya ay may ibabato siya sayo, muntikan niya pang ibato yung kahoy galing sa tle project namin eh. Grabe, wag na kayo magulat kung one day nasa ospital na ko :(( jk hahaha :)) So, hindi pa dapat matatapos dito yung kwento pero tamad na tamad na ko :)))) Haha. Byeee!! To be continued.. Pero wait!! About sa title pala.. :)) Wala lang yan parang kasi si Francis si Mr. Grey na gustong-gustong nasasaktan ako (Steele) HAHAHA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment