About Me

My photo
14 years of existence|SENIO12-13ATCH|Trypophobia|Azteeeec

Wednesday, 21 November 2012

First time.

So yun, kita naman sa  title nito na first time ko to diba. Ang redundant naman kung yun ulit sasabihin ko.. Hm actually, nasabi ko na rin pala. Tanginis. Hahaha. Anyway, wala akong alam sa mga to so gagayahin ko nalang si Faye (ang salot sa lipunan ayon kay Francis) So eto na magpapaka-bob ong na ko. Joke lang, feeler to the max. Pero.. ang dami ko palang sinasabi, makapagsimula na nga. 

Sun rising, birds chirping, wind coming from the window beside my bed.. Feeling movie scene na, sabay may sumigaw na "Gaddi!! SERVICE!!!" Sht. Oo nga pala, sabi ko sa service ko na magffirst trip ako, para magaral sa long test namin sa Calculus. Agad akong bumangon, alam na alam kong kakagising ko lang, pero sa sobrang bangag ko.. Ang nasabi ko sa service "Wait langgg" thinking na makakapagbihis akong ng sobrang bilis at makakahabol pa. Pag punta ko sa kabilang kwarto, nagising na rin pala nanay ko at sinabihan na ko na anjan na yung service. Naisip ko na siya nalang kaya pagsabihan ko na magsecond trip nalang ako.. At least mukhang wala akong kasalanan. Haha. So yun, umalis na yung service, at lumakad na ko patungo sa banyo na parang nalalantang halaman. Ligo. Bihis. Kain. Hintay. Sakay. Dating. Lakad. Pasok. Aral. Sana naman pumasok talaga sa isip ko yung pinagtuturo ni berns samin. Well, it did.. Sort of, kinda, little. Things. Mermaid. Red riding hood. Sige. HAHAHA. Natapos na ang mahabang pagsusulit na ginamitan ko na ng luma kong style na tulog muna bago sagot. Dahil feeling ko talaga napapaginipan ko yung mga formula :)) Which is true kasi, pagangat ko ng ulo ay para bang di mo na mapaghiwalay yung tip ng ballpen ko sa kagaspangan ng papel ng long test namin. Hahaha. Or siguro dahil lang yun sa tension na nararamdaman ko dahil malapit na magtime. Anyway, natapos ko na and nasagot ko naman, okay na yun. Fast forward to Physics time kaso nnung isang araw pa to hahaha, wala naman masyadong nakakatawang nangyari dahil si Francis nagbabasa ng 50 shades of grey, si Faye nagkikinig (kunyari), at ako, nagdadasal na sana manatili nalang si francis sa position niya at hindi siya sapian ng kagigilan. Sa nagbabasa nito, kung alam mo lang ang nararanasan kong hirap.. Makatulog at magising sa haplos ng ballpen/marker sa pisngi mo, tas malalaman mo nalang na parang ginawang cartesian plane yung mukha mo kung makaplot ng vertices tas foci tas okay too much knowledge from calculus. Hahaha. Ang biglaang pangongotong, paghahampas, panunulak na nararanasan ng buong left side ng katawan ko. Take note, BUONG LEFT SIDE. Mapa-ulo, leeg, braso, etc. At dahil jan, napapaisip ako na pano kung sa sobrang panunulak at paghahampas niya eh nagsilipatan yung mga organs ko sa right side.. tas lantang-lanta na yung kalahati ng katawan ko habang yung isang kalahati sobrang taba na at masikip. HAHAHHAHA tawang-tawa kaming tatlo nun eh, at buti nalang di kami napapansin ng teacher namin dun kasi siguro immune na siya sa ingay dahil sa lakas ng boses niya at napakasaya pa kung magturo akala mo naman nakikinig lahat. Haha. Sooo, as of now.. iniinterrupt ako ng windows update, irestart ko na daw at kanina ko pa pinopostpone habang pinapanuod ang video ni Gel, na ewan ko ba kung bakit sobrang benta sakin. Hahahaha eto link oh, kung interesado man kayo http://www.youtube.com/watch?v=2AkLnzBUfCY&feature=plcp Pokemon theme song talaga :(( :)) Haha. Anyway, nakakatamad din pala tong pagbblog na to.. Siguro bored na bored si Faye at ang haba ng nagagawa niya.. or nasalikod niya yung nanay niya kaya imbis na manuod ng... nagblog nalang. Hahaha joke. Sakiiiit, ngawit na ngawit na yung leeg ko dahil sa position ko na di kanais-nais.. Grabe gaddi di kailangan i-share -___- Tama na nga, wala na tong katuturan. HAHA bye.

No comments:

Post a Comment