About Me
Saturday, 24 November 2012
INIT
So.. Family day namin ngayon. Saturday kaya mejo nakakatamad, pero okay na din mejo masaya naman. Yun nga lang.. SOBRANG INIT. As in sobrang init talaga!! Di ko alam kung bakit pero kakaiba yung naproproduce na heat nung araw kanina. Para bang katabi mo lang yung sun, or parang nasa loob ka ng isang whistling kettle tas pinapakuluan ka tas kanina ka pa nagwhwhistle pero ayaw patayin yung apoy. Jk, okay ang daming alam. Haha. Sa mga nangyari naman ngayong araw na to, wala namang interesting. Program lang sa umaga tas, bingo na sa hapon. Di na ko naglaro kasi nakakatamad, tsaka di naman ako nananalo sa ganun. And again.. sa SOBRANG INIT ay niyaya ko na mga kaibigan ko na lumabas nalang at magikot-ikot. Nakasalubong namin si "Regular fries" :)) yun ang tawag namin sa kanya kasi nakita ni Ola, yung taong yun sa Mcdo tapos ang sabi niya dun sa counter.. (sabihin niyo to ng malakas ok tas dapat pahabain niyo muna yung baba niyo para gayang-gaya.. inshort yung pacool na pagsasalita) "UHM.. MISH MARGKANO YUHNG REGULUHR FRIESH? TWENI FAYV? UH SHIGE, DUHLAWAUGH. PATTY COWK FLOWT NA RHEN" [Mejo mahirap isipan ng spelling yung pagkakasabi niya infareness] Hahahaha. Di man siya sobrang funny kasi naka-words.. pero grabe yung tawa namin pag sa personal na tas may actions pa yan na parang bumabackward yung ulo mo tas yung mata mo naka-squint and yung eyebrows nagcocompress. Hahaha, shet ang benta parin :(( :)) Anyway, nilapitan namin siya upang magpapicture para naman masiyahan kami at makalimutan yung INIT na nararamdaman ng aming mga katawan. Pag lapit namin, niyaya na namin siya ng picture pero tumanggi siya. Hinabol pa namin at pinilit pero ayaw niya talaga. Tas hinayaan na muna namin pero nakita namin siya sumisilip galing sa gym habang nandun kami sa plaza, so tinry namain ulit tas sabi niya "ARGHYOKO. ARGHYOKO. NAKAKAHEEYAH, DI KO KARYO KIRLALA" Hahaha, ang cool niya talaga :(( :)) Pahard to get pa siya, di bagay. Haha. Anyway , meron nga pala kaming sayaw tapos ang sabi ni Ms. Hyde, maglagay nalang ng accessories, gumawa ng sariling porma kasi bawal ibahin yung tshirt tas pants. Sa bahay palang tinry ko patungan ng kung ano-ano. Tinry ko yung vest, pero mukha namang taga-walis ng mga sidewalk.. Tinry ko rin patungan ng polo, pero grabe.. Worse :)) Kasi tanod na tanod naman yung dating ko :))) Hahaha. So, hinayaan ko nalang at di na ko naghanap ng kung ano-ano pang makakapag mukha sakin na tanga. Mejo successful naman yung sayaw, kahit sobrang di kami prepared. Nakaya naman namin :) Ang hirap alalahanin ng mga nangyari sa araw na to dahil nga sobrang init :(( Actually, hanggang ngayon eh kahit kaharap ko na yung electric fan namin. Ba't ganuuuun huhu. So ayun gets niyo naman kung bakit yan yung title, kasi halos blinog ko lang ang reklamo ko sa temperatura ng ating bansa. HAHAHA Okay, bye.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment