About Me

My photo
14 years of existence|SENIO12-13ATCH|Trypophobia|Azteeeec

Thursday, 22 November 2012

LOAD

Hayyyyy. Number one problem natin tong lahat ngayon. Maliban nalang sa mga mala-gokongwei jan or yung wala namang cellphone. Pero grabe diba, halos lahat nagwwish na sana libre ang load or sana umulan ng load. Oo tama kayo, sana nga bumaha pa eh. Joke haha. Yung feeling na wala ka naman talagang pakielam jan sa cellphone mo pero once na magbeep yan, tumunog, magvibrate, umilaw or kung ano man nagagawa ng amazing mong phone, tapos yung taong gusto mo pa yung nagtext.. Ay shet... Yung pagtibok ng puso mo bumilis, ngiting-ngiti ka pa, tumatalon-talon ka pa (optional to), magttype ka na sana ng reply, ng maalala mong WALA KANG LOAD. Aba shempre, di pwede yun. Agad-agad kang hahanap ng paraan na magkaron ng load. Kung maghahalungkot ka man ng barya barya jan sa bag mo, sa wallet mo, o di kaya'y pati jan sa bulsa ng mga damit mo. [Sobrang sarap lang ng feeling na pagdukot mo sa bulsa bigla ka nalang makakaramdam ng maluma-lumang papel, diba?] Pero.. Wala ka paring nakitang pera... Wala ka paring load.. Di mo siya matext.. Malungkot ka.. Di ka kumain, naligo, natulog.. pero joke lang yun kasi sobrang oa mo naman kung ganun. Hahaha. Ang conclusion nito, ineendorse ko lang sainyo ang Viber.. Ang pagtext na di mo na kailangan ng load. Kaya idownload mo na ang viber sa iyong smartphone or android!! jk haha. Alam niyo ba na sa mga oras na to, ay dapat naglalakad ako sa labas papunta sa tindahan para bumili ng alaxan fr kasi masakit daw paa ng lola ko, pero no need to share kasi wala naman connection sa title ng blog na to. Anyway back to the topic. So i-link natin ang load sa crush.. HAHAHA yung feeling na yun nalang yun dahilan kung bakit pumapasok ka sa school. (and sa mga kaibigan mo) Yung feeling na pagkamulat na pagkamulat mo ng mata, tamad na tamad ka pumasok at naiisipan mong magabsent.. pero biglang may part sa utak mo na ibubulong lang yung pangaln ng crush mo tas para ka ng nakainom ng cobra, ay dapat mejo sosyal. Hm, sting? Extra joss nalang :)))) jk haha. Tas bangon ka na agad tas todo paganda/papogi sobrang ayos na ng buhok mo pero pagtapak na pagtapak mo sa labas ay parang kinuskos mo yung likod ng ulo mo sa pader. Boom, sayang effort. TAPOOOOS, pagdating sa school ay hanggang sulyap ka nalang sa crush mo. Dumaan lang siya sayo, eh kawawa na yung katabi mo na pinapasa na at namumula-mula yung braso. Be considerate guyssss, tuwang tuwa ka habang yung hinahampas mo.... Hahaha. And dahil jan may ishshare lang ako, isasalang ko na sana yung uniform ko, so stinart ko na yung washing machine, sinet sa low tas go. Edi nag fifill up na siya ng tubig.. Bumalik ako sa laptop ko at nagcontinue ng blog. Ngunit (hindi ko maipaliwanagggg) sa masyado kong paglalabas ng emotions at damang-dama ko pa ang pagttype, ay nakakarinig na ko ng *Swoosh* actually, di ko alam kung ano ang sound effect ng water na umiikot kaya swoosh nalang :)) kung gusto niyo mejo mabango, pwede ring swish.. which is yung mouthwash if i'm not mistaken. Hahaha. So yun lang naman ang ishshare ko. Yung parang hinugasan ko lang yung mismong washing machine namin kasi di ko naman nailagay yung uniform ko :| :)) Nagsayang pa kong tubig at kuryente. HAHAHA. Grabe sobrang layo ko na pala sa topic. Kung san san no napupunta :)) And kung manonotice niyo lang, sa blog na ito ay ang dami kongnagamit na words na may ulit.. tipong damang-dama, san san, pagkatapak na pagkatapak. Haha, which is not a big deal pinapaalam ko lang sainyo, and pampahaba na rin :)) At dito nagtatapos ang kwento ng load. HAHAHAHA

No comments:

Post a Comment