Sobrang bored ko lang kaya naisipan ko gumawa ng blog. Tapos na-enganyo pako kasi nakita ko yung background ni Berns na, anchor pero AZTEC yung design!!
Ang ganda diba :(( Hahaha. Favorite kasi ni Berns ang anchor habang ako naman, well shempre, aztec. Kaya ayun, TEAM GB all the way :)) Haha. Sa kaadikan ko sa aztec, nung nagpagawa si Ms. Tejada ng nail art.. Of course, di na ko nagdalawang isip at aztec agad ang ginawa ko!! Super thank you sa nail polish ni Monay at naging successful yung nail art na
yun. Eto kinalabasan oh..
Yeheyyy, happy with the results kahit di siya sobrang perfect. At least aztec. Haha. Isa pang, aztec-inspired work, is yung Gokongwei University I.d namin na gagamitin sa English Film, which i'm so excited for!! Di man siya sobrang ganda, at least may aztec ulit :(( <3
Tapooos, akala niyo wala na? Meron pa. Dami nga eh. Hahaha. Wala akong mahanap na aztec na wallet at that time so naisipan ko nalang gumawa ng sarili kong wallet :)) So gumupit ako ng tela galing sa tshirt ko, naghanap ng poster paint at zipper and.. *drum roll*
So yun, pahirapan mag tahi. Pero pratice na rin kapag matanda na ko tas nakaupo sa rocking chair. Hahaha joke. Ano pa ba? Hmmm, performance task (ang daming alam ng dominican at pinauso nila to) namin sa computer is gumawa ng flyer about the 3R'S.. Kapartner ko dun si Ola, and she specifically told me na wag lagyan ng aztec kasi sawang-sawa na siya dun :))) Pero sa tigas ng ulo ko (syempre, ewan ko nalang kung yung iyo malambot, comfort nalang!!) ay di ko parin napigilang lagyan ng aztec..
HAHAHA, masabi lang na may aztec :( :)) Lastly, yung unang-una kong gawa na aztec pattern na mukha daw na prinint porket naka black and white. Tandang-tanda ko pa, english time yun, second quarter after namin magquiz. Actually, habang. Ganun ako ka BADASS.








Alam ko na ireregalo ko sayo sa bday mo! Ruler! HAHAHAHA
ReplyDelete